Paglilipat-bansa noong unang bahagi ng 1900s
WALA SA PAGSUSULIT Sulit basahin ang bahaging ito, pero hindi ito kailanman itinatanong sa citizenship test.
Sa panahon sa pagitan ng Unang at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanatili ang mahihigpit na kondisyon sa pagpasok sa Australia. Gayunpaman, may paglago sa paglipat ng mga tao, lalo na ng mga lalaki, mula sa timog Europa. Dala nila ang maraming kasanayan, edukasyon at sariling mga kultural na pagpapahalaga. Tumulong sila sa pagpapaunlad ng mga industriyang pangkanayunan ng Australia, at nagtayo ng mga kalsada at riles. Malaki ang naiambag ng mga bihasang Italyanong mason sa pagtatayo ng mga pampublikong gusali at tirahan.
Sa katapusan ng dekada 1930, nagsimulang dumating ang mga Judiong refugee mula sa Europa. Tumatakas sila mula sa banta ng Nazi Germany. Nagmula sila sa Germany, Austria, Czechoslovakia, Hungary at Poland. Marami sa kanila ay lubos na nakapag-aral at malaki ang naiambag nila sa ekonomiya at kultural na buhay ng Australia.
Humigit-kumulang 18,000 sundalong Italyano na nabihag sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang ikinulong sa mga kampo ng bilanggo ng digmaan sa Australia. Maikli lamang ang kanilang pananatili sa mga kampo, ngunit pinakitunguhan sila nang patas at marami ang natuto tungkol sa lupain at sa mga tao. Pagkatapos ng digmaan, marami ang bumalik sa Australia bilang mga imigrante.
Mula sa Australian Citizenship: Our Common Bond, ang opisyal na booklet