Bilang pagtatapos
WALA SA PAGSUSULIT Sulit basahin ang bahaging ito, pero hindi ito kailanman itinatanong sa citizenship test.
Ang mga pahinang ito ay nagbigay lamang sa iyo ng sulyap sa ating kuwentong Australyano. Malugod ka naming tinatanggap sa pagkamamamayang Australyano at inaanyayahan ang iyong buong paglahok sa ating mapayapang demokratikong bansa.
Bilang mamamayan, magkakaroon ka ng lahat ng parehong responsibilidad at pribilehiyo tulad ng ibang mamamayang Australyano, at tatanggapin mo ang iyong lugar bilang ganap na miyembro ng pamayanang Australyano. Ibabahagi mo ang responsibilidad sa pagtulong na hubugin ang kinabukasan ng Australia at inaasahan namin ang iyong aktibong paglahok sa pambansang proyektong iyon.
Mula sa Australian Citizenship: Our Common Bond, ang opisyal na booklet