Ang ekonomiya ng Australia
WALA SA PAGSUSULIT Sulit basahin ang bahaging ito, pero hindi ito kailanman itinatanong sa citizenship test.
May matatag at mapagkumpitensyang ekonomiya ang Australia, at pinahahalagahan nito ang masigla at may kasanayang lakas-paggawa. Ang kalidad ng buhay na tinatamasa ng mga tao sa Australia ay isa sa pinakamataas sa mundo.
Dick Smith (ipinanganak 1944)
Si Dick Smith ay isang Australyanong negosyante, adventurer at philanthropist. Kumita siya ng malaki sa kanyang negosyo sa electronics at ginamit niya ang kanyang yaman upang isulong ang Australia. Nagtayo siya ng isang kumpanya ng pagkaing puro Australyano at namuhunan ng milyun-milyong dolyar upang tumulong na manatiling pag-aari ng mga Australyano ang mga kumpanya.
Siya ay hinirang na Australian of the Year noong 1986 at nanalo ng parangal para sa pagsulong ng teknolohiya at pangangalaga sa kapaligiran. Siya ang unang taong tumawid sa Australia at sa Tasman Sea sakay ng hot air balloon. Kilala siya sa kanyang mapangahas na diwa, tagumpay sa negosyo at pagmamahal sa bayan.
Mula sa Australian Citizenship: Our Common Bond, ang opisyal na booklet