Isang napakalawak na bansa
WALA SA PAGSUSULIT Sulit basahin ang bahaging ito, pero hindi ito kailanman itinatanong sa citizenship test.
Ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander na mamamayan ay may natatanging ugnayan sa lupa. Lagi nilang pinahahalagahan ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapitbahay at naglalakbay sila ng malalayong distansya upang magkita. Ang mga 'song-lines' ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander na mamamayan ay mga kuwentong nag-uugnay sa tradisyonal na batas, kasaysayan at kultura sa heograpiya, na umaabot sa iba't ibang grupong kultural at pangwika sa buong Australia. Ang mga ito ay pinanatili at isinagawa sa loob ng libu-libong taon.
Sa maraming bahagi ng Australia, limitado ang akses ng mga tao sa mga serbisyo, tulad ng paaralan, serbisyong pangkalusugan at tindahan, na itinuturing na karaniwan na ng ibang Australyano. Nagtutulungan tayo upang suportahan ang mga taong naninirahan sa malalayong komunidad. Ang mga kilalang Australyano ay nakatulong sa paglutas ng mga problema ng kalayuan sa pamamagitan ng katalinuhan at inobasyon.
Mula sa Australian Citizenship: Our Common Bond, ang opisyal na booklet